Tuesday, February 21, 2012

Angel Mug


i love collecting mug and this is one of my favorite...angel mug.. I love pink but this one is sooo cool...






Photobucket

Sunday, February 19, 2012

Vigan Ilocos Sur

Isa ang Vigan sa mga napuntahan kong lugar na hindi ko malilimutan. Maganda at malinis ang bayan na ito. Kasama ko ang family ko nung pumunta kami dito. Umalis kami ng gabi sa Manila at eksaktong 6:30 ng umaga nasa Vigan na kami. Nag breakfast kami sa Jollibee Vigan Branch. Doon pa lang malalaman mo agad na disiplinado ang mga taga Vigan, malinis ang paligid at wala ka makikitang kalat man lang.


After namin kumain, dumaan kami sa St Paul Cathedral, hindi kasi kumpleto ang trip namin kung di kami dadaan sa simbahan,isa na yon sa mga nakaugalian namin.


Sumunod na pinuntahan namin ay ang Vigan Pottery, nakita namin kung paano nila ginagawa ang pot na yari sa putik,bigla kong naalala si Patrick Swayze sa movie na Ghost. Nakakatuwang tingnan dahil talagang matitiyaga sila sa paggawa ng Pot or banga.

Syquia Mansion, ito ang bahay ng dating President Quirino, nag tour kami sa buong bahay,nandun ang mga lumang gamit ni Pres Quirino at iba pang memorabilia nya.

Bell Tower, maganda sya pero di ko sinubukang umakyat sa pinaka tuktok ng tower na ito kasi takot ako sa matataas na lugar. Sabi ng pamangkin ko, kapag nandun ka sa pinaka itaas kita mo na ang buong Ilocos at kalapit na probinsya.

Calle Crisologo, dito matatagpuan ang mga lumang bahay, pati ang kalsada nila ay yari sa mga bato noong sinauna. Ni restore talaga nila ang lugar na ito. Maraming souvenir shops ang nandito, makakasakay ka rin ng kalesa  na iikot sa buong Calle Crisologo. Ang ganda sya sa gabi lalo na ng magbukas sila ng ilaw,mararamdaman mo yung parang nasa sinaunang panahon ka tsk tsk.

Nag stay kami sa Vigan Plaza Hotel, napakabait ng mga staff nila, malinis at maayos ang room namin. Kinabukasan pinuntahan na namin ang Baluarte ni Singson,Hidden Garden at namili na kami ng pasalubong.

Bitin ang dalawang araw na bakasyon, though napuntahan namin lahat ng dapat puntahan dito. Budget ang oras para mapuntahan namin lahat ng lugar at magkaroon pa kami ng time mamili ng mga pasalubong.

Iphone 4S





Pinagkakaguluhan ngayon ang IPhone 4S halos lahat ng tao gusto magkaroon nito. Isa na ako doon tsk tsk, pero kapag iisipin mo ang mga advantage and disadvantage nito parang manghihinayang kang bumili. Kung ikaw ay mahilig sa mga application,picture,video dapat ka bumili nito pero kung ikaw naman ay mahilig lang mag text at tumawag parang di practical na bumili ng ganitong cphone. Maraming kaibigan ko ang bumili na at sinasabi nilang sulit naman ang Php 30,000 +++. Kapag naka IPhone 4S ka iba ang tingin sa iyo,wow mayaman..sosyal. Up to now,nag iisip pa rin ako kung bibili ba ako nito para makasunod sa uso or bumili na lang ako ng mas murang cphone na maganda pero mas mura.

Saturday, February 18, 2012

Buhay OFW

Karamihan ng mga kababayan natin ay nagta trabaho sa ibang bansa para kumita ng pera at guminhawa sa buhay ang kanilang pamilya. Ang mentality ng mga Filipino kapag nagta trabaho or nakatira sa ibang bansa ay mayaman. Hindi nila alam or wala silang idea kung paano mabuhay sa ibang bansa.

Malungkot ang manirahan sa ibang bansa lalo na kung may mga anak kang maiiwan dito sa Pinas pero kailangan nilang tiisin yon para sa kinabukasan ng kanilang anak. Salamat sa teknolohiya at mabilis na ang communication natin sa ating mga mahal sa buhay na nagta trabaho sa ibang bansa.

Mga OFW ang tinatawag na makabagong bayani, bayani rin sila sa paningin ng kanilang mga mahal sa buhay dahil nagsusumikap sila mabigyan lang ng magandang buhay ang pamilya nila.

Nagtatrabaho ang kuya ko ngayon sa Saudi para sa amin at sa mga anak nya. Isa syang hero sa paningin ko. May mga magaganda at hindi kagandahang karanasan ang pagta trabaho sa ibang bansa at yun ang i blog ko sa susunod.

Kayo,may mga mahal ba kayo sa buhay na isang makabagong bayani?

Thursday, February 16, 2012

Summer is Here

February pa lang pero umuulan na, paano na ang summer? Napansin ko maagang tag ulan ngayon dito sa atin sa Pilipinas mukhang mapupurnada pa ang pagbabakasyon ng buong pamilya namin sa Boracay tsk tsk. Saan ba usually kayo nagbabakasyon or  nagsu swimming kapag summer?

Mahilig ako sa beach, I love beach kahit hindi summer palagi akong pumupunta sa beach para magpahangin. Hindi ko rin alam kung bakit pero ang gaan ng feeling ko kapag nasa beach ako. Wala akong pakialam kahit umitim ako lalo dahil sa pagbibilad sa araw.

What are your plans this summer?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...