Karamihan ng mga kababayan natin ay nagta trabaho sa ibang bansa para kumita ng pera at guminhawa sa buhay ang kanilang pamilya. Ang mentality ng mga Filipino kapag nagta trabaho or nakatira sa ibang bansa ay mayaman. Hindi nila alam or wala silang idea kung paano mabuhay sa ibang bansa.
Malungkot ang manirahan sa ibang bansa lalo na kung may mga anak kang maiiwan dito sa Pinas pero kailangan nilang tiisin yon para sa kinabukasan ng kanilang anak. Salamat sa teknolohiya at mabilis na ang communication natin sa ating mga mahal sa buhay na nagta trabaho sa ibang bansa.
Mga OFW ang tinatawag na makabagong bayani, bayani rin sila sa paningin ng kanilang mga mahal sa buhay dahil nagsusumikap sila mabigyan lang ng magandang buhay ang pamilya nila.
Nagtatrabaho ang kuya ko ngayon sa Saudi para sa amin at sa mga anak nya. Isa syang hero sa paningin ko. May mga magaganda at hindi kagandahang karanasan ang pagta trabaho sa ibang bansa at yun ang i blog ko sa susunod.
Kayo,may mga mahal ba kayo sa buhay na isang makabagong bayani?
No comments:
Post a Comment