Isa ang Vigan sa mga napuntahan kong lugar na hindi ko malilimutan. Maganda at malinis ang bayan na ito. Kasama ko ang family ko nung pumunta kami dito. Umalis kami ng gabi sa Manila at eksaktong 6:30 ng umaga nasa Vigan na kami. Nag breakfast kami sa Jollibee Vigan Branch. Doon pa lang malalaman mo agad na disiplinado ang mga taga Vigan, malinis ang paligid at wala ka makikitang kalat man lang.
After namin kumain, dumaan kami sa St Paul Cathedral, hindi kasi kumpleto ang trip namin kung di kami dadaan sa simbahan,isa na yon sa mga nakaugalian namin.
Sumunod na pinuntahan namin ay ang Vigan Pottery, nakita namin kung paano nila ginagawa ang pot na yari sa putik,bigla kong naalala si Patrick Swayze sa movie na Ghost. Nakakatuwang tingnan dahil talagang matitiyaga sila sa paggawa ng Pot or banga.
Syquia Mansion, ito ang bahay ng dating President Quirino, nag tour kami sa buong bahay,nandun ang mga lumang gamit ni Pres Quirino at iba pang memorabilia nya.
Bell Tower, maganda sya pero di ko sinubukang umakyat sa pinaka tuktok ng tower na ito kasi takot ako sa matataas na lugar. Sabi ng pamangkin ko, kapag nandun ka sa pinaka itaas kita mo na ang buong Ilocos at kalapit na probinsya.
Calle Crisologo, dito matatagpuan ang mga lumang bahay, pati ang kalsada nila ay yari sa mga bato noong sinauna. Ni restore talaga nila ang lugar na ito. Maraming souvenir shops ang nandito, makakasakay ka rin ng kalesa na iikot sa buong Calle Crisologo. Ang ganda sya sa gabi lalo na ng magbukas sila ng ilaw,mararamdaman mo yung parang nasa sinaunang panahon ka tsk tsk.
Nag stay kami sa Vigan Plaza Hotel, napakabait ng mga staff nila, malinis at maayos ang room namin. Kinabukasan pinuntahan na namin ang Baluarte ni Singson,Hidden Garden at namili na kami ng pasalubong.
Bitin ang dalawang araw na bakasyon, though napuntahan namin lahat ng dapat puntahan dito. Budget ang oras para mapuntahan namin lahat ng lugar at magkaroon pa kami ng time mamili ng mga pasalubong.
7 years ago siguro nung huli kami magpunta dyan. Would like to visit again. Thanks for follwing my blog! I just followed back!
ReplyDeleteI have never been to that place. In fact, there are lots of places in the Philippines I have never explored. I wish to be able to explore some more the next time we go on vacation sa Pinas with the family. Thank you for visiting. I love the last photo with the old houses and the horse carriage. I miss Pinas! Visiting via CC. A late one.
ReplyDeletehttp://chetopianfamily.blogspot.com/2012/02/sahm-style-color-blocking-they-say.html?showComment=1329753650210#c3966385948009571221